Upang gunitain ang ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War ng Sambayanang Tsino at World Anti-Facist War, sa isang news briefing na idinaos ngayong araw sa Beijing ng Pambansang Tanggapan ng Impormasyon ng Tsina, ipinaalam ni Dou Yupei, Pangalawang Ministro ng Suliraning Sibil ng Tsina, ang pagsasapubliko sa ikalawang grupo ng 100 instalasyon ng paggunita sa anti-Japanese war sa antas ng estado, relikya, at ikalawang grupo ng 600 bantog na bayani ng bansa sa nasabing digmaan.
Ayon kay Dou, karamihan sa ikalawang grupo ng 100 memorial facilities sa antas ng estado at memorial sites, ay nabibilang sa national cultural relic protection units, patriotic education demonstration base, national martyrs memorial facilities, o red tourism classic scenic spot ng buong bansa.
Ipinahayag din niya na ayon sa official record at may-kinalamang historical material, ang nasabing ikalawang grupo ng 600 bantog na bayani ng bansa ay isinapubliko pagkaraang pag-aralan ng mga eksperto at tanggapin ang mungkahi ng mga may-kinalamang departamento. Pero, dahil sa mahabang panahon at sanhi ng digmaan, hindi aniya komprehensibong napangalagaan ang orihinal na data at kuwento ng maraming bayani ng paglaban sa Hapon. Kaya, posibleng lilitaw ang pagkakaiba sa pagitan ng rekord ng nasabing listahan at kinauukulang materyal. Umaasa aniya siyang ipagkakaloob ng mga personahe ng iba't-ibang sirkulo ng lipunan ang mas maraming pagkatig at tulong tungkol dito.
Salin: Li Feng