Inilathala ngayong araw ng pahayagang "People's Daily" ng Tsina ang artikulo ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na pinamagatang " Tandaan ang Malungkot na Karanasan ng World War II, Magkasamang Itatag ang Bagong Relasyong Pandaigdig na May Nukleong Kooperasyon at Win-Win Situation."
Anang artikulo, ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War ng mga mamamayang Tsino at World Anti-Fascist War. Karapat-dapat aniyang tadaan at gunitain ng lahat ng mga mamamayang Tsino at mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa buong daigdig ang okasyong ito.
Ang World War II na inilunsad ng militaristang Hapon at pasistang Alemanya ay ang pinakamalungkot na pangyayari sa kasaysayan ng sangkatauhan. Nagdulot ito ng walang katulad na trahedya sa usapin ng kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan. Pinakamaagang sumiklab at tumagal nang pinakamahabang panahon ang Anti-Japanese War ng mga mamamayang Tsino. Ito ay mahalagang bahagi ng World Anti-Fascist War. Mabisang napigilan at binigyang-dagok ng Tsina ang pangunahing puwersang militar ng militaristang Hapon.
Anang artikulo, 70 taon na ang nakararaan, sapul nang matapos ang World War II, napakalaking reporma at pagsasaayos ang naganap sa kayariang pandaigdig. Naging tema ng panahon ang kapayapaan at kaunlaran. Pero tinatangka ng ilang puwersa na tanggihan ang esensya ng kasaysayang mapanalakay. Hinding-hindi aniya pahihintulutan ito ng mga mamamayang Tsino, maging ng mga mamamayan sa buong mundo.
Salin: Vera