NAG-UTOS na si Senador Teofisto Guingona III, chairman ng Committee on Accountability of Public Officers and Investigations o Senate Blue Ribbon Committee na dakpin ang mga taong hindi sumipot sa mga nakalipas na pagdinig. Rekomendasyon iyo ni Senador Aquilino Pimentel III,l Chairman ng Sub-Committee.
Napapaloob sa kautusang dakpin sina Erlinda S. Chong, Irish S. Chong, Irene S. Chong kasama rin si Kim Tun S. Chong.
Sumang-ayon din si Senador Guingona sa rekomendasyon ni Senador Pimentel na ideklara sina Dr. Jack Arroyo, Laureano Gregorio Jr. at Marguerite Lichnock na "in contempt".
Aprubado na rin ang rekomendasyon ni Senador Pimentel na dakpin nina James L. Tiu at Anne Loraine B. Tiu.
Ipinalabas ang contempt at arrest orders sa mga nabanggit na tao sa patuloy na pagtangging dumalo sa pagsisiyasat ng Senado sa sinasabing sobrang halaga ng 11-palapag na Makati City Hall II parking building, at overpricing ng 22-palapag na Makati City Hall Building at iba pang mga anomalya.