SA paanyaya ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, darating sa Pilipinas si General Prayut Chan-o-cha ng Kaharian ng Thailand sa isang opisyal na pagdalaw mula bukas hanggang sa Biyernes.
Ito ang unang pagdalaw ng Thai prime minister mula ng maluklok sa posisyon noong Agosto ng nakalipas na taon. Umaasa ang Pilipinas na sa pagdalaw na ito, higit na lalalim ang pakikipagkaibigan sa Thailand na kasamang nagtatag ng Association of Southeast Asian Nations.
Sa pagdalaw na ito, maghahanap ang dalawang pinuno ng paraan upang higit na lumakas ang pagsasamahan ng mga bansang kabilang sa pangrehiyong samahan. Pag-uusapan din ang mga isyung may kinalaman sa tanggulang pambansa, pagpapatupad ng batas, edukasyon, kalakalan, pagsasaka, turismo, security, technical cooperation at mga isyu ng ASEAN.
Ang Thailand ang ikawalong pinakamalaking trading partner ng Pilipinas noong 2014 at may kalakalang nagkakahalaga ng US$ 5.83 bilyon.