Ipinatalastas kahapon ng Secretariat ng China-ASEAN Expo (CAExpo) na sa panahon ng gaganaping ika-12 CAExpo, idaraos ang kauna-unahang Porum ng Alkalde ng China at ASEAN para magkakasamang talakayin ang konstruksyon ng koneksyon ng mga lunsod ng dalawang panig.
Ayon sa ulat, ang nasabing porum ay itinataguyod ng Asosasyon ng mga Alkalde ng Tsina, at Secretariat ng CAExpo. Gaganapin ito sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Tsina, mula ika-19 hanggang ika-20 ng susunod na buwan.
Salin: Li Feng