Batay sa resolusyon ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, nilagdaan kahapon ni Pangulong Xi Jinping ang kautusan hinggil sa pagbibigay ng amnestiya sa apat na kategoriya ng mga bilanggo na kinabibilangan ng mga beteranong nakisanggot sa Digmaan ng Tsina laban sa Mananalakay na Hapones at sa Digmaang Sibil laban sa Kuomintang.
Ito ay ginawa sa diwa ng paggunita ng ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII),
Ayon pa rin sa resolusyon, ang mga bilanggong nasa naturang apat na kategoriya, pero may malubhang kasalanan gaya ng kabulukan, pagtanggap ng suhol, pagpatay sa kapwa, paggahasa, pangingidnap, terorismo, organisadong krimen, at iba pa, ay hindi bibigyan ng amnestiya.
Salin: Liu Kai