Ipinatalastas kahapon ng kapulisan ng Thailand, na dinakip nila nang araw ring iyon ang isang dayuhang suspek sa insidente ng pagsabog na naganap noong ika-17 ng buwang ito sa Bangkok, at ikinamatay ng 20 kataong kinabibilangan ng 7 Tsino.
Nasamsaman din ng kapulisan ang mga materyal para gumawa ng pampasabog, at mga pekeng pasport sa bahay ng suspek.
Ipinahayag ng kapulisan ng Thailand, na sa kasalukuyan, ginagawa nila ang ibayo pang imbestigasyon, at hindi pa nalalaman ang kabansaan ng naturang dayuhang suspek.
Kinumpirma rin ng kapulisan na ang grupong maykagagawan ng naturang pagsabog ay binuo ng mga mamamayang Thai at dayuhan.
Salin: Liu Kai