Nakipagtagpo kahapon sa Great Hall of the People, Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Norodom Sihamoni, Hari ng Kambodya.
Winelkam ni Pangulong Xi ang pagdalo ng hari ng Kambodya sa parada ng Tsina bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII) na gaganapin sa Ika-3 ng Setyembre. Tinukoy ni Xi na ang Kambodya at Tsina ay matalik na magkapitbansa, at ang relasyon nila ay parang magkapatid. Ani Xi, ang pagpapalalim ng komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Kambodya ay angkop sa pundamental na interes at komong mithiin ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Aniya, pinahahalagahan ng Tsina ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Kambodya, at nakahandang panatilihin ang pag-uugnayan sa iba't ibang antas ng Kambodya, at patuloy na pasulungin ang kooperasyon sa mga mahalagang larangan, para mapalalim ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Norodom Sihamoni, na ikinagagalak niya ang pagdalo sa parada sa Tsina. Aniya, sa bagong panahon, ipagpapatuloy ng kanyang bansa ang tradisyonal na pagkakaibigang ito, pahihigpitin ang pagdadalawan sa mataas na antas, at palalahimin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan ng dalawang bansa.
Salin: Andrea