Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Resepsiyon bilang paggunita sa Ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng WWII, idinaos ng Embahadang Tsino sa Hapon

(GMT+08:00) 2015-09-01 15:39:18       CRI

Idinaos kagabi ng Embahadang Tsino sa Hapon ang resepsiyon bilang paggunita sa Ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII). Sa kanyang talumpati, nilagom ni Cheng Yonghua, Embahador Tsino sa Hapon, ang malalim na aral mula sa digmaan, taos pusong naalaala ang mga bayani na nag-sakripisyo para ipagtanggol ang katarungan at kapayapaan, at tumanaw sa mapayapang kinabukasan ng komunidad ng daigdig.

Pagpapahalaga sa Kapayapaan

Sinabi ni Cheng na noong panahon ng digmaan, nagkaisa ang mga makatarungang puwersa sa buong daigdig, para labanan ang pananalakay ng mga pasista at natamo ang kapayapaan. Aniya, sa pakikibaka sa militaristang Hapones, ginawa ng mga mamamayang Tsino ang mahalagang sakripisyo at ito'y di-mabuburang makasaysayang ambag para makamit ang tagumpay.

Ani Cheng, kahit tapos na ang digmaan, hindi magbabago ang katarungan at konsiyensiya. Dapat aniya, kusa at labis na pagsisihan ang pagdurusa dulot ng WWII, para maiwasan ang muling pagganap nito.

Magkahiwalay na Pakikitungo sa Militarista at Sibilyan

Tinukoy din ni Cheng na ang tumpak na pagharap sa kasaysayan ng pananalakay ay mahalagang pundasyon ng pagpapabuti ng Hapon ng relasyon sa mga kapitbansa sa Asya, at kondisyon ng paglikha ng mapayapang hinaharap. Aniya, palagiang pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Hapon, at nakahandang magsikap, kasama ng Hapon, para mapatupad ang pagkakaibigan ng dalawang bansa sa hene-henerasyon.

Dahil dito, ani Cheng, palagiang igigiit ng Tsina na ihiwalay ang pakikitungo sa militarismong Hapones at mga mamamayang Hapones, at kriminal ng digmaan at karaniwang sundalo. Mapagparaya din ang Tsina sa paghawak sa mga isyu pagkaraan ng pananalakay ng mga militarismong Hapones sa Tsina. Aniya, umaasa ang Tsina na isasakatuparan ng relasyong Sino-Hapones ang pangmatagalan, matatag at malusog na pag-unlad, batay sa diwang paggamit sa kasaysayan bilang salamin sa pagtanaw sa hinaharap.

Dumalo sa resepsiyon sina Murayama To

miichi, dating Punong Ministro at Natsuo Yamaguchi, Tagapangulo ng New Komeito Party, mga tauhan sa iba't ibang sirkulo ng Hapon, mga sugong diplomatiko at kinatawan ng mahigit 10 bansa gaya ng Rusya, Indya, Pakistan at Myanmar, at mahigit 200 overseas Chinese.

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>