Sa okasyon ng pagdaraos ng Tsina ng aktibidad bilang paggunita sa Ika-70 Anibersaryo ng Tagumpay ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay ng Hapon at World War II (WWII), isinagawa kamakailan ng China Radio International (CRI) ang isang network survey. Binigyan ng mga tagasubaybay ng CRI sa ibayong dagat ng positibong pagtasa ang pagdaraos ng Tsina ng nasabing aktibidad. Ipinalalagay nilang ang aktibidad ay makakatulong sa paggunita ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa daigdig sa kasaysayan, mas mabuting pangalagaan ang kapayapaang pandaigdig, at isulong ang pagtutulungan at pag-unlad ng daigdig.
Sa nasabing survey, lubos na pinapurihan ng karamihang tagasubaybay ang papel at katuturan ng digmaan ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng Hapon sa WWII. Umaasa silang patuloy na mapapatingkad ng Tsina ang papel sa pangangalaga sa kapayapaan ng Asya at buong daigdig.
Salin: Li Feng