Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, ipinagdiriwang ng komunidad ng daigdig ang ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng anti-Fascist War sa iba't ibang paraan, kaya hinimok ng panig Tsino ang Hapon na tumpak na pakitunguhan at pagsisihan ang kasaysayan nito sa pananalakay sa mga karatig na bansa noong panahon ng World War II.
Kaugnay ng pagtutol ng Hapon sa pagdalo ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), sa aktibidad ng Tsina bilang paggunita sa tagumpay ng anti-Fascist War at War of Resistance Against Japanese na gaganapin sa ika-3 ng Setyembre, sinabi ni Hua na ang UN ay mahalagang bunga ng tagumpay ng WWII at winewelkam ng Tsina ang pagdalo ni Ban at ibang mga lider ng mga bansa sa naturang aktibidad ng Tsina.
Inulit ni Hua na ang naturang aktibidad na itataguyod ng Tsina ay naglalayong tandaan ang kasaysayan, gunitain ang mga bayani sa WWII at pangalagaan ang kapayapaan at kinabukasan.