Sa Great Hall of the People, Beijing — Ginawaran kaninang umaga ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, ng mga medalya ang mga naiwang pamilya o kinatawan ng beteranong sundalo at heneral na nakibaka laban sa pananalakay ng Hapon, at mga dayuhang kaibigang nakapagbigay ng ambag para sa tagumpay ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay ng Hapon. Bumigkas din ng talumpati si Pangulong Xi.
Sa mga ginawaran kabilang sina Liu Hansheng, tagapag-organisa ng sandatahang puwersa laban sa Hapon sa lalawigang Hebei, Shandong, at Henan, Li Li'an, Pangkalahatang Kalihim ng dating Advisory Commission ng Central Committee ng CPC sa paglaban sa pananalakay ng Hapon, at iba pa.
Ang mga dayuhang personahe na ginawaran ng nasabing medalya ay kinabibilangan nina Makhmut Akhmetovich Gareev, beteranong sundalo ng dating Soviet Union na lumahok sa digmaan ng pagpapalaya ng Mudan River, Hirosumi Kobayashi, beteranong sundalong Hapones ng Eight Route Army, at iba pa.
Salin: Li Feng