|
||||||||
|
||
Nanood ang mga bisita sa eksbisyon.
Binuksan kahapon sa China Millennium Monument sa Beijing ang photographic exhibition na pinamagatang "Di-dapat Kalimutan ang Kasaysayan — Paggunita sa Ika-70 Anibersaryo ng Tagumpay ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino sa Pananalakay ng Hapon at World War II (WWII)." Ito ay isang mahalagang aktibidad na itinaguyod ng China Literary Federation at Chinese photographers society bilang paggunita sa nasabing okasyon.
Seremonya ng pagbubukas ng eksbisyon.
Nanood ang mga bisita sa eksbisyon.
Nanood ang mga bisita sa eksbisyon.
Halos 300 akda ang idinidispley sa eksbisyong ito, at sumasaklaw sa iba't-ibang aspektong gaya ng larangan ng digmaan ng Tsina at daigdig, at pangunahing paglaban sa pananalakay at paglaban sa likuran ng mga kaaway. Ikinuwento rin ng eksbisyon ang pag-aalaga ng mga mamamayang Tsino sa mga naiwang ulilang Hapones. Komprehensibong ipinakikita ng eksbisyon ang grabeng kalamidad na dulot ng digmaan sa buong daigdig, at ang dakilang proseso ng pakikilahok ng Nasyong Tsino sa WWII.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |