Kaugnay ng pagbabalita ng media na pupunta si Lien Chan, dating Pangulo ng Kuomintang (KMT), sa Beijing para dumalo sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino Laban sa Pananalakay ng Hapon, ipinahayag ngayong araw ni Fan Liqing, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado sa mga Suliranin ng Taiwan, na mainit na winiwelkam ng Chinese mainland ang pagdalo ng mga kababayang Taiwanes sa nasabing selebrasyon.
Ipinahayag ni Fan na ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino Laban sa Pananalakay ng Hapon at World War II (WWII), at ito rin ay ika-70 anibersaryo ng pagbalik ng Taiwan sa inangbayan. Maringal aniyang idaraos ng mainland ang isang serye ng aktibidad ng selebrasyon tungkol dito.
Salin: Li Feng