Ipinalabas ngayong araw ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang whitepaper na pinamagatang "Successful Practice of Regional Ethnic Autonomy in Tibet." Komprehensibong isinalaysay ng whitepaper ang napakalaking pagbabago na ibinigay ng sistema ng awtonomya sa rehiyong etniko sa Tibet. Anito, ang kasalukuyang Tibet ay nasa pinakamainam na panahon sa kasaysayan.
Tinukoy ng whitepaper na ang sistema ng awtonomya sa rehiyong ethnic ay angkop sa pundamental na kalagayang pang-estado ng Tsina at aktuwal na kalagayan ng Tibet. Ang pagtahak ng Tibet sa landas ng awtonomya sa rehiyong etniko ay tumpak na pagpili para sa pagsasakatuparan ng liberasyon ng mga mamamayang Tibetano, at ito ay angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad ng Tibet, dagdag pa ng whitepaper.
Sa pamamagitan ng maraming datos at katotohanan, inilahad ng whitepaper ang napakalaking pagbabago na naganap bago at pagkaraang isagawa ang nasabing sistema. Ang mga ito ay kinabibilangan ng pagtahak sa landas ng pag-unlad, sistemang pulitikal na angkop sa kalagayang pang-estado, paggarantiya sa kalayaan ng mga mamamayan, puspusang pagpapalaki ng kapakanan para sa mga mamamayan, pangangalaga sa mabuting tradisyonal na kultura, paggalang at pangangalaga sa kalayaang panrelihiyon, pagpapasulong ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal, at iba pa.
Salin: Li Feng