TIBET, Tsina--Ipinatalastas sa preskon ngayong araw ng panig opisyal ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet na maayos na ang paghahanda para sa iba't ibang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rehiyon. Magsisimula ang pagdiriwang ngayong buwan.
Kabilang sa mga aktibidad ay ang parada ng mga mamamayan ng Tibet, Pagtatanghal hinggil sa Kasaysayan ng Tibet, at Evening Gala. Sa okasyong ito, idaraos din ang seremonya ng pagbubukas ng mga bagong lansangan sa Tibet.
Lalahok sa nasabing mga aktibidad ang mga kinatawan at lider mula sa Pamahalaang Sentral ng Tsina at mangungumusta rin sila sa iba't ibang grupong etniko sa Tibet.
Salin: Jade