Ipinalabas ng WeChat account ng United Front Work Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina ang artikulo kung saan gumawa ng autorisadong paliwanag sa ika-6 na talakayan hinggil sa gawain ng Tibet na natapos sa Beijing kahapon. Tungkol sa isyung "kung paanong titingnan ang Dalai Clique, tinukoy ng artikulo na ang esensya ng umano'y "middle way" ay isang separatistikong kahilingang pulitikal. Hinding-hindi tinatanggap ng Komite Sentral ng CPC ang kahilingang ito noong nakaraan man o sa hinaharap.
Kaugnay ng Dalai Clique, tinukoy ng artikulo na hindi nagbago ang esensya nito na pagpapawatak-watak ng inang bayan, at walang-humpay na isinasaayos ang patakaran at estratehiya nito. Hindi kinikilala ng "middle way" ni Dailai Lama na ang Tibet ay bahagi ng teritoryo ng Tsina, tinututulan ang simulaing tiniyak ng konstitusyon ng Tsina, at hindi tinatanggap ang administratibong paghahati ng rehiyon ng Tsina.
Salin: Vera