Ayon sa Awtoridad na Pangkapaligiran ng Guangxi Autonomous Region, Tsina, idaraos sa Nanning ang 2015 China-ASEAN Environment Cooperation Forum, mula ika-16 hanggang ika-18 ng buwang ito.
Ang kasalukuyang pagtitipon ay para palalimin ang kaalaman ng Tsina at ASEAN sa kani-kanilang patakarang pangkapaligiran, pahigpitin ang pagtutulungan sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, batay sa balangkas ng estratehiyang "Silk Road Economic Belt at Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo" na itinataguyod ng Tsina, at pataasin ang kakayahan ng magkabilang panig sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng kapaligiran.