Sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Ipinahayag ngayong araw ni Lin Nianxiu, Pangalawang Puno ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na ang pagtatatag ng China-ASEAN Information Harbor (CAIH) ay isang mahalagang proyekto sa pagtatatag ng "China-ASEAN Community of Common Destiny." Dapat aniyang igiit ang prinsipyo ng "Magkakasamang Pagsasanggunian, Konstruksyon, at Pagtatamasa" sa proseso ng pagtatatag ng CAIH.
Binuksan nang araw ring iyon sa Nanning ang Porum ng CAIH, at ang base ng CAIH ay naitatag sa Nanning.
Nagtalumpati sa porum si Lin Nianxiu, angalawang Puno ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina
Sa kanyang talumpati sa porum, sinabi ni Lin na ang pagpapasulong ng komong pag-unlad ay tungkuling historikal ng CAIH, at ang pagsasakatuparan ng mutuwal na kapakinabangan ay nukleong layunin ng platapormang ito.
Salin: Li Feng