Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(Rebisadong bersyon) Musoleo ni Sultan Pahala ng Sulu: Sagisag ng mahabang pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino

(GMT+08:00) 2015-09-14 18:22:43       CRI
Ang musoleo ni Sultan Paduka Pahala ng Sulu ay isang patunay ng matagal na pagkakaibigan ng mga Tsino at Pilipino.

Ito ang nabatid ng delegasyon ng mga mamamahayag na mula sa Pilipinas sa kanilang pagbibigay-galang sa libingan ni Sultan Pahala ng Sulu at pakikipag-usap sa kanyang mga kamag-anak na nanirahan na rin sa Tsina.

Nag-ugat ito sa pagkakaibigan ng Sultan ng Sulu at ng pinuno ng Ming Dynasty (1368 A.D.—1644 A.D.) ng Tsina.

Ayon sa mga datos ng Tsina, nagpapalitan ng mga pagdalaw ang mga Pilipino at mga Tsino sa kanilang malayang paglalayag sa karagatan tulad ng pagdalaw ni Sultan Pahala ng Sulu upang magpugay kay Emperador Yongle noong taong 1417 sa ika-15 taon ng Yongle Empire ng Ming Dynasty.

Naging marangal ang pagdalaw ni Sultan Pahala sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa kanyang delegasyong binubuo ng ilang daang katao. Nagtagal sila ng 27 araw sa Beijing. Pabalik na sana sa Pilipinas ang sultan subalit nagkasakit siya pagsapit sa Dezhou, siyudad sa lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina, noong ika-13 ng Setyembre, 1417.

Nabalitaan ng Emperador ang pagkakasakit at pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan kaya't inatasan niya ang kanyang mga opisyal na bigyan ng isang marangyang libing ang Sultan ng Sulu.

Kinilala ni Emperador Yongle ang kanyang kaibigan bilang isang matalino at mababang-loob na tao. Higit sa lahat, pinahalagahan ni Emperador Yongle ang ginawa ni Sultan Pahala upang higit na maging malapit ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Inatasan ng emperador ang kanyang mga tauhan na maglagay ng mga palamuti na tulad ng mga inukit sa batong mga tao, kabayo at mga tupa sa katimugang bahagi ng puntod ni Sultan Pahala. Sa ganitong pangyayari, maihahalintulad na rin ang kanyang libing sa puntod ng mga prinsipeng Tsino.

Kasama ni Sultan Pahala sa pagdalaw sa Tsina ang kanyang maybahay na si Kamulin at tatlong mga anak na lalaki. Matapos ang libing ng Sultan, ang kanyang panganay na anak na lalaki, si Rajah Baginda, ang bumalik sa Sulu upang humalili sa kanyang ama.

Ang balong si Kamulin, ang pangalawang anak na si Wen at pangatlong anak na si An ang nanirahan sa Dezhou upang bantayan ang puntod ng yumaong sultan. Binayaran pa ng pamahalaan ang mga naulila at binigyan pa ng lupain kasabay ng pagpapadala ng mga kawal na magbabatay sa puntod.

Sa pakikinig ng mga mamamahayag sa mga opisyal ng Dezhou, nabatid na noong nanunungkulan si Emperador Shenzong noong 1573 hanggang sa mapalitan ni Emperador Xizong noong 1627 isang mosque na ang itinayo sa pook.

Ang Musoleo, sa Makabagong Panahon

Hanggang ngayon ay napangalagaan at napananatiling maganda ang libingan ng Sultan ng Sulu, sa magkakasamag pagtataguyod ng Pamahalaang Probinsyal ng Shandong at mga mamamayang Pilipino.

Isinailalim na rin ang musoleo noong ika-13 ng Enero 1988 sa National Cultural Relics.

Ginawan na rin ng libingan sina Kamulin at dalawang anak na lalaki. Inayos din ang mga sinaunang mga bakod.

Nakadaupang-palad ng delegasyon si An Jing na mula sa ika-19 na saling-lahi ni Sultan Pahala. Doon na nanirahan at nagkapamilya ang mga kamag-anak ni Sultan Pahala at naging sangkot na sa karaniwang buhay ng mga Tsino.

May dalawa pang kamag-anak ang pumanaw na Sultan na nakasama sa pagtatanggol sa Tsina laban sa mga nanakop ng mga Hapones sa panahon ng World War II.

Naging mahalaga na rin ang papel ng mga kamag-anak ni Sultan Pahala sa lipunang Tsino.

Sa labas ng daan patungo sa libingan ni Sultan Pahala, makikita ang isang mosque na pinaglilingkuran ng mga inapo ni Sultan Pahala na sina An Fengdong at Ahung. May nakatakda silang espesyal na panalangin sa linggo bilang paggunita sa yumaong Sultan ng Sulu sa kanyang pagpanaw higit na sa 500 taon ang nakalilipas.

Pagpapahalaga sa Ugnayan ng mga Mamamayan

Sa idinaos na pananghalian sa pagdalaw ng delegasyong Pilipino, sinabi ng mga kalahok na Tsino at mga dumadalaw na mga mamamahayag na Pilipino na pinakamahalaga ang "people-to-people" contact kahit pa mayroong mga 'di-pagkakaunawaan sa larangan ng politika.'

Ang musoleo na itinatag noong 1417 ay may sukat na halos lima't kalahating ektarya. Ang grand mausoleum ay may taas na higit sa apat na metro at may lawak na 16.6 metro.

Ibinibigay ni Melo Acuňa, correspondent ng CRI Filipino Service, ang isang alaala na nagmula pa sa Jolo, Sulu kay An Jin

Si Melo (sa gitna), kasama ng mga inapo ni Sultan Pahala na sina An Fengdong (sa dulong kanan) at Ahung (sa dulong kaliwa)

Ibinabahagi ng tour guide (naka-pink) sa delegasyong Pilipino ang kasaysayan ng libingan ni Sultan Pahala ng Sulu 



Salaysay hinggil sa libingan ni Sultan Pahala sa wikang Tsino at wikang Ingles

Pananda na nagsasaad na ang libingan ni Sultan Pahala ay napabilang sa mga National Cultural Relics ng Tsina noong 1988  

Main Hall bago pumasok sa libingan ni Sultan Pahala  

Painting ni Sultan Pahala, kasama ang kanyang dalawang anak, na matatagpuan sa Main Hall, bago pumasok sa libingan ni Sultan Pahala

East Hall kung saan nakatanghal ang mga tula na isinulat mula sa iba't ibang mga dinastiya ng Tsina hinggil sa libingan ng Sultan   



 

Ilan sa mga tula na sinulat ng mga poet noong Ming at Qing Dynasty para magbalik-tanaw sa paglalakbay ni Sultan Pahala sa Tsina

Sa West Hall, abalang abalang kumukuha ng mga larawan ang mga mamamahayag na Pilipino hinggil sa kasaysayan ng pamilya ni Sultan Pahala 

Family tree ni Sultan Pahala

Inskripsyong imperial sa lapida ni Sultan Pahala

 Ilang beses na nagbigay-galang sa libingan ni Sultan Pahala noong 1995-1999 si Romualdo A. Ong, Embahador ng Pilipinas sa Tsina mula 1994 hanggang 2000 (ikatlo sa kanan sa unang larawan)

Mensaheng pampasalamat ni Embahador Ong sa Shandong at Dezhou sa kanyang pagbibigay-galang sa libingan ni Sultan Pahala noong 1995

Mensahe ni Embahador Ong sa kanyang pagbibigay-galang sa libingan ni Sultan Pahala noong 1997

Inskripsyon ni Embahador Josue L. Villa ng Pilipinas sa Tsina sa kanyang pagbibigay-galang sa libingan ni Sultan Pahala noong 2003



 Mga larawang nagpapakita ng pagdadalawan sa isa't isa ng mga inapo ni Sultan Pahala sa Dezhou at sa Sulu

Batong tao na nagbabantay sa libingan ni Sultan Pahala

Sa likod ng batong kabayo at tao na nagbabantay sa libingan ni Sultan Pahala, makikita ang isang banner na nagsasabing "Mahaba ang Pagkakaibigan ng mga Mamamayang Tsino at Pilipino"

Libingan ni Sultan Pahala

 

Group picture ng mga mamamahayag na Pilipino sa harap ng libingan ni Sultan Pahala






Moske sa labas ng libingan

Libingan ng asawa ni Sultan Pahala na si Kamulin

Libingan ng pangalawang anak ni Sultan Pahala na si Wen

Libingan ng pangatlong anak ni Sultan Pahala na si An

Ulat: Melo/Ernest

Editor: Mac/Jade

Photographer: Melo/Ernest

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>