Idaraos ang Ika-12 China-ASEAN Expo sa ika-18 hanggang ika-21 ng buwang ito sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina.
Isinalaysay ni Wang Lei, Secretary-General ng China-ASEAN Expo Secretariat na mula idaos ang ang unang CAEXPO noong 2004, ito ay naging pinakamahalagang plataporma ng Tsina at ASEAN para mapahigpit ang kooperasyon sa pulitika, kalakalan, pamumuhunan at kultura.
Sa unang CAEXPO noong 2004, lumampas ang bilateral na halaga ng kalakalan sa 100 bilyong dolyares; noong 2014, ito ay lumampas sa 480 bilyong dolyares, at sa katapusan ng taong 2014, ang pamumuhunan ng dalawang panig sa isa't isa ay lumampas sa 130 bilyong dolyares.
Sinabi ni Wang Lei na sa hinaharap, palalawakin pa ng CAEXPO mula 10+1 patungo sa 10+6, ibig sabihin, kumbaga, ASEAN, Tsina, Timog Korea, Hapon, Austrilia, New Zealand at Indya. At sa mas malayong hinaharap isasama na rin ng CAEXPO ang mga bansang kasap ng One Belt One Road (OBOR). Iuugnay ng idaraos na CAEXPO ang pagpapabuti ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng ASEAN at Tsina, magagalugad ang potensiyal ng kalakalan, palalawakin ang saklaw ng pamumuhunan sa isa't isa, at mapapasulong ang pagsasakatuparan ng mga malaking proyekto sa kooperasyon ng industrial park, cross-border na kooperasyong pangkabuhayan at iba pa. Nagsisikap sila para maisakatuparan ng target na aabot sa isang trilyong dolyares ang bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN at aabot sa 150 bilyong dolyares ang karagdagang bilateral na pamumuhunan sa isa't isa sa 2020.
salin:wle