|
||||||||
|
||
Si Zhang Xiaoqin, sa forum
Sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Binuksan ngayong araw ang ika-8 China-ASEAN Think Tank Strategic Dialogue Forum. Dumalo sa porum ang mga dalubhasa at iskolar mula sa 11 bansang kinabibilangan ng Tsina, Cambodia, Singapore, Indonesia, Thailand, at iba pa, para talakayin ang hinggil sa "Pagtitipon ng Komong Palagay ng Think Tank para sa Magkakasamang Pagpapasulong ng 'One Belt and One Road' at Konstruksyon ng China-ASEAN Community of Common Destiny."
Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Zhang Xiaoqin, Pangalawang Pangulo ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi, na ang magkakasamang pagtatatag ng "One Belt and One Road" ay nangangailangan ng pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran ng mga bansa sa kahabaan nito. Ang pagtatatag naman ng China-ASEAN Community of Common Destiny ay nangangailangan ng pagtutulungan ng iba't-ibang panig para sa komong pag-unlad.
Sinabi naman ng dalubhasang Kambodyano na ang ideya ng "One Belt and One Road" na iniharap ng Tsina ay angkop sa kapakanan ng mga mamamayan ng Cambodia at mga bansang ASEAN. Ito aniya ay makakapagbigay ng napakalaking benipisyo para sa pag-unlad ng mga bansang ASEAN.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |