Sa kanyang talumpati sa China-ASEAN Information Harbor (CAIH) kahapon sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Tsina, ipinahayag ni Wu Weina, Mataas na Direktor ng Departamento ng Suliraning Pampamahalaan ng Sohu Video ng Tsina, na kasunod ng walang humpay na pag-unlad ng internet techonology, unti-unting dumadalas ang "online" na pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN. Aniya, mula noong taong 2009, maraming TV series mula sa Thailand at Singapore ang ipinalalabas ng Sohu Video. Sa aspekto ng pagpapaunlad ng network culture, aktibong isinasagawa ng Sohu Video ang pakikipagtulungan sa iba't-ibang bansang Timog Silangang Asyano, dagdag pa niya.
Isinalaysay din ni Wu na ang Guangxi ay "South Gate" para sa pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura ng Tsina at ASEAN. Makikipagtulungan at makikipagtalakayan aniya ang Sohu Video sa Guangxi para mapasulong ang ganitong kooperasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN.
Salin: Li Feng