Sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Idinaraos dito mula kahapon hanggang ngayong araw ang Porum ng China-ASEAN Information Harbor (CAIH). Iniharap sa porum ni Lu Wei, Direktor ng State Internet Information Office (SIIO) ng Tsina, na pahihigpitin ang kooperasyon sa iba't ibang bansang ASEAN, upang maitatag ang CAIH bilang hub ng impormasyon ng "21st Century Maritime Silk Road," at tamasahin ng Tsina at iba't ibang bansa ng ASEAN ang bunga ng pag-unlad ng internet.
Sa panahon ng naturang porum, nilagdaan ng naturang tanggapan at Ministri ng Koreo at Telekomunikasyon ng Laos ang Memorandum of Understanding o MoU hinggil sa kooperasyon at kaunlaran ng internet. Ipinahayag ni Sem Phommachan, Ministro ng Koreo at Telekomunikasyon ng Laos na ang naturang MoU ay angkop sa bilateral na komong interes. Paliliitin ng ganitong kooperasyon ang agwat ng Laos at mga kapitbansa at mga bansang ASEAN sa aspekto ng pag-unlad ng teknolohiya ng impormasyon at telekomunikasyon, upang maisakatuparan ng Laos ang mabilis na pag-unlad, dagdag pa niya.
Salin: Vera