Sa China-ASEAN Information Harbor (CAIH) Forum na idinaos sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Tsina, ipinahayag kahapon ng Consul General ng Malaysia sa Nanning, ang pag-asang sa pamamagitan ng pag-aaral ng panturistang kilos ng mga mamamayang Tsino, babaguhin nito ang modelo ng promosyon ng turismo, at gagamitin ang WeChat at Weibo sa pagpapalaganap ng lugar panturista ng bansa para mahikayat ang mas maraming turistang Tsino sa Malaysia.
Sinabi niya na noong isang taon, sanhi ng air crash at iba pang masamang epekto, bumaba ng 9.9% ang bilang ng mga turistang Tsino sa Malaysia kumpara sa taong 2013. Kaya, sa aspekto ng pagpapalaganap ng turismo, kailangan aniyang gamitin ng Malaysia ang ilang bagong porma para makaakit ng mas maraming turistang Tsino.
Salin: Li Feng