Nay Pyi Taw—Nilagdaan kamakailan ng Myanmar at Thailand ang kasunduan hinggil sa pagtatayo ng ikalawang tulay na pangkaibigan na nag-uugnay ng Mae Sot ng Thailand at Myawaddy ng Myanmar, dalawang siyudad sa hanggahan ng dalawang bansa, ayon sa pagkakasunod.
Ayon sa kasunduan, ang panig Thai ay responsable sa paglalaan ng pondo at pagtatayo ng nasabing tulay at ang Myanmar ay mamamahala sa pagpapanatili makaraang itayo ang tulay.
Ang unang tulay na pangkaibigan ng Myanmar at Thailand ay pinasinayaan noong 1997.
Tagapagsalin/tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac