Ipinahayag kahapon ni Wang Min, Pirmihang Pangalawang Kinatawang Tsino sa United Nations (UN), na ang komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran ay nakakatulong sa pangangalaga sa sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear sa daigdig, at nakakatulong din ito sa kapayapaan at katatagan sa rehiyong Gitnang Silangan. Umaasa aniya siyang magkakasamang maisasakatuparan nang mabuti ng iba't-ibang panig ang kasunduang ito.
Aniya pa, sa proseso ng talastasan hinggil sa nasabing isyu, palagiang nakapagpatingkad ang panig Tsino ng konstruktibong papel. Sa hinaharap, mahigpit na makikipagkoordinahan ang panig Tsino sa iba't-ibang panig para patuloy na makapag-ambag sa maalwang pagtutupad ng naturang kasunduan at mapatingkad ang konstruktibong papel para sa komprehensibo at maayos na paglutas sa isyung nuklear ng Iran, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng