Sa resolusyong pinagtibay kahapon ng United Nations Security Council(UNSC), sinang-ayunan nito ang komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran na narating kamakailan sa Geneva, sa pagitan ng Iran at anim na bansang kinabibilangan ng Amerika, Pransya, Britanya, Rusya, Tsina at Alemanya. Anito, positibo ang UN sa muling pagpahayag ng Iran sa kasunduan na hindi nitong gagalugarin ang mga sandatang nuklear, sa anumang kalagayan at pangyayari na posibleng maganap.
Samantala, ipinahayag ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN ang pagtanggap sa nasabing resolusyon ng UNSC. Aniya, ito ay nagiging magandang simula para sa pagpapatupad sa naturang kasunduan.