|
||||||||
|
||
CAEXPO 20150917
|
Sa press briefing na idinaos kaninang umaga sa Nanning, venue ng bubuksan bukas na Ika-12 China-ASEAN Exposition (CAEXPO) at punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina, sinabi ni G. Hu Suojin, Deputy Director General ng General Office ng Ministry of Commerce ng Tsina, na mayroon na ngayong aplikasyon para sa 5,563 na exhibition booths sa Ika-12 CAExpo. Ito aniya ay mas mataas ng 21% kumpara sa tinayang bilang ng mga aplikasyon.
Dagdag pa niya, 2,207 na enterprise mula sa ibat-ibang bansang ASEAN at Tsina ang kuwalipikado at tinanggap na sa Ika-12 CAEXPO.
Bukod dito, 4,600 booths ang ihahanda para sa mga naturang exhibitor.
Sa mga ito, 1,296 ang para sa mga bansang ASEAN: ito aniya ay mas mataas ng 2.9% kumpara noong nakaraang taon.
Ani Hu, ilang kompanya ring kabilang sa prestihiyosong Fortune 500 ang sasali sa nasabing expo, samantalang 81 trade and investment program ang i-a-areglo.
Bukod dito, mayroon ding 85 grupo ng mga investor at buying mission galing Tsina, ASEAN, Korea, Japan, India, Australia, New Zealand, Hilagang Amerika at Europa ang sasali sa expo, aniya pa.
Kasunod ng pag-a-upgrade ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), ang Ika-12 CAExpo ay inaasahan ding magpapatingkad sa papel ng International Capacity Cooperation.
Sinabi ni Hu na kasama ring gaganapin sa CAExpo ngayong taon ang kauna-unahang serye ng mga aktibidad hinggil sa International Capacity Cooperation, na kinabibilangan ng 21st Century Maritime Silk Road, International Capacity Cooperation Forum, International Economic and Capacity Cooperation Exhibition, at Business Networking Program para sa mga Investor at May-ari ng mga Proyekto ng International Capacity Cooperation.
Ang mga aktibidad na ito ay inaasahang makakapagpasulong sa pagtatayo ng 21st Century Maritme Silk Road o Belt and Road Iniative at pagbalangkas ng bagong blueprint para sa bagong kooperasyong pandagat.
Reporter: Rhio at Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |