Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Alkalde ng Zamboanga: 21st Century Maritime Silk Road, oportunidad para sa kooperasyong pangkultura at pang-negosyo

(GMT+08:00) 2015-09-20 15:42:07       CRI

Si Maria Isabel "Beng" Climaco, Alkalde ng Lunsod ng Zamboanga

Guangxi, Tsina —- Sa preskon na idinaos dito ni Maria Isabel "Beng" Climaco, Alkalde ng Lunsod ng Zamboanga, ipinahayag niya na ang 21st Century Maritime Silk Road ay isang mainam na oportunidad upang magkaroon ng kooperasyong pangkultura at pang-negosyo ang mga mamamayan ng Zamboanga at Tsina.

Sinabi niyang nagpunta siya sa Guangxi upang ipabatid sa mga Tsino at mga mamamayan ng ibang bansang ASEAN, na iniaabot ng mga Zamboangueno ang kanilang bukas na bisig bilang tanda ng pakikipagkaibigan at pakikipagpalitang pangkultura.

Bukod dito, ipinagmalaki rin ng alkalde ang 13 canning factory ng sardinas ng Zamboanga.

Aniya, ang Zamboanga ang "sardines capital ng Pilipinas."

Dagdag pa niya, ang Zamboanga ay nasa estratehikong lokasyon, at malapit sa Brunei, Indonesia, Malaysia, at iba pang bahagi ng Timog Silangang Asya, kaya naman mainam maglagak ng negosyo rito.

Aniya pa, ang Zamboanga ang ika-3 pinakamalaking lunsod sa Pilipinas at ito lamang ang kaisa-isang lunsod sa labas ng Metro Manila at Visayas na mayroong sariling economic zone at free port.

Napakalawak at dibersipikado rin aniya ang yamang-dagat ng kanyang lunsod, na maikukumpara sa yamang-dagat ng Guangxi, Tsina.

Ipinagmalaki ni Climaco ang mataas na kakayahan sa wikang Ingles ng mga trabahador ng Zamboanga, at napakamurang labor cost ng lunsod.

Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan ng lahat ng ito, mahihikayat ang mga Tsino at mga kapatid sa ibang bansang ASEAN na dumalaw sa kanyang lunsod upang subukan at lasapin ang kulturang likas, at mga bentaheng pang-negosyo ng Zamboanga.

Papel ng China-ASEAN Exposition (CAExpo)

Ani Climaco, ang CAExpo ay isang napakagandang oportunidad para sa mga lunsod na gaya ng Zamboanga upang maipakita sa buong mundo ang kanilang napakagandang kultura at bentaheng pang-negosyo.

Isa itong plataporma aniya para sa Zamboanga upang ipresenta sa mga Tsino at iba pang bansang ASEAN ang kanilang mga produkto at nakamtang pag-unlad sa nakalipas na ilang taon.

Dagdag pa ng alkalde, nakatakdang gawing magkapatid na lunsod o sister cities ang Zamboanga at Gui Gang ng Guangxi, Tsina.

Reporter: Rhio at Ernest

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>