|
||||||||
|
||
Sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Binuksan dito kahapon ang unang China-ASEAN Disability Forum. Ang tema ng porum ay "Equal Access, Inclusive Development."
Nag-abuloy ang China Disabled Persons' Federation ng materiyal at pondo sa mga kinauukulang bansa ng ASEAN
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na inilakip ng China-ASEAN Expo (CAExpo) ang aktibidad na may tema ng mga may kapansanan sa balangkas ng ekspo.
Magkakahiwalay na bumigkas ng talumpati sina Jia Yong, Pangalawang Direktor Heneral ng China Disabled Persons' Federation, at Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng Sentro ng Tsina at ASEAN, at ang mga opisyal sa antas na ministeriyal at kinatawan mula sa Pilipinas, Indonesia, Brunei, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam.
Pagtatanghal ng China-ASEAN Disability Forum
Nagpalitan ang mga kalahok sa porum ng karanasan at ideya ng pagpapaunlad ng usapin ng mga may kapansanan, naglahad ng bagong paraan ng pagpapalitan at pagtutulungan sa mga suliranin ng mga may kapansanan ng Tsina at ASEAN, nagpahayag ng kompiyansa at ekspektasyon sa magkasamang pagpapalalim ng Tsina at ASEAN ng kooperasyon sa mga suliraning may kinalaman sa mga may kapansanan, at nagkaroon ng maraming komong palagay.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |