Ayon sa resulta ng poll ng isinapubliko ngayong araw ng "Asahi Shimbun" ng Hapon, 51% mamamayang Hapones ang tumututol sa Security Bills, at ipinalalagay naman ng 67% respondents na "di katanggap-tanggap" ang puwersahang pagboto ng parliamento sa Security Bills.
Ipinakikita rin ng naturang poll na may pagbaba ang approval rate ng gabinete ni Shinzo Abe.
Dahil nagkakaroon ang naghaharing koalisyon ng Hapon ng nakararaming luklukan sa Mataas na Kapulungan, puwersahang nagbotohan kamakalawa ang Mataas na Kapulungan sa Security Bills. Ang aksyong ito ay nakatawag ng pagbatikos ng mga pangunahing media ng Hapon at matinding protesta ng mga mamamayang Hapones. Magkakasundo na ipinahayag ng iba't ibang sirkulo ng Hapon na patuloy na tututulan ito hanggang sa pagpapawalang-bisa.
Salin: Vera