Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong security bills ng Hapon, naisabatas

(GMT+08:00) 2015-09-19 17:09:48       CRI
Pagkaraan ng pagkakatibay kaninang madaling araw sa Mataas na Kapulungan ng Parliamento ng Hapon, naisabatas ang ilang security bill, na magpapaluwag ng mga limitasyon sa papel ng sandatahang lakas ng bansang ito.

Dahil nagkakaroon ang naghaharing koalisyon ng Hapon ng nakararaming luklukan sa Mataas na Kapulungan, pinasulong ng pamahalaan ni Punong Ministro Shinzo Abe ang pagpapatupad ng naturang lehislasyon. Batay dito, sa kauna-unahang pagkakataon nitong 70 taong nakalipas, puwedeng ipadala ng Hapon ang mga tropa sa labas ng bansa, para lumahok sa armadong sagupaan. Ito ay palatandaan ng pagtanggal ng Hapon sa "purely defensive defense posture" na isinagawa nito pagkatapos ng World War II.

Ang aksyong ito ng pamahalaan ng Hapon ay tinututulan ng iba't ibang sirkulo ng bansa.

Ipinahayag ng mga partidong oposisyon na ang aksyong ito ay nakakapinsala sa pasipismo at demokrasya ng Hapon.

Sinabi naman ng mga media ng Hapon na ang naturang lehislasyon ay labag sa Konstitusyon, at lubos na mali ang pamahalaan ni Abe na nagpasulong sa pagpapatibay ng mga pinagtatalunang panukalang-batas, nang walang sapat na pagsusuri.

Idinaos naman ng maraming mamamayang Hapones ang demonstrasyon sa iba't ibang lugar bilang protesta sa naturang lehislasyon. Tinatawag nila ang mga pinagtibay na panukalang-batas na "war bills."

Samantala, bilang tugon sa naturang pangyayari, sinabi ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat pulutin ng Hapon ang aral sa kasaysayan, pakinggan ang makatarungang pananawagan mula sa loob ng bansa at komunidad ng daigdig, at pahalagahan ang pagkabahala ng mga bansang Asyano. Hinimok niya ang Hapon na maging maingat sa larangan ng militar at seguridad, at igiit ang mapayapang landas.

Ipinahayag naman ng mga estadista at eksperto ng mga bansang gaya ng Timog Korea, Singapore, Kambodya, Indonesya, Australya, at iba pa, ang naturang aksyon ng pamahalaan ng Hapon.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>