Ang Seattle, pinakamalaking lunsod ng Washington State, Amerika, ay unang stop ng gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ito ay dahil sa malaking papel na ginagampanan ng Seattle at Washington State sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika.
Pagkaraan ng normalisasyon ng relasyong Sino-Amerikano, nasaksihan ng Seattle ang pagdating ng unang bapor pangkalakal ng Tsina sa Amerika, at ito ay naging simula ng pagpapalagayang pangkalakalan ng dalawang bansa.
Sa kasalukuyan naman, sa pagitan ng lahat ng mga estado ng Amerika, ang Washington State ay pinakamalaking trade partner ng Tsina, at umabot sa halos 30 bilyong Dolyares ang halaga ng taunang kalakalan ng dalawang panig.
Sa Seattle matatagpuan ang mga punong himpilan ng mga malaking kompanyang Amerikano na gaya ng Boeing, Microsoft, Amazon, Google, at iba pa. Kaya ang lunsod na ito ay mainam na isang tampok ng naturang pagdalaw ng Pangulong Tsino na may kinalaman sa kooperasyon sa siyensiya at teknolohiya.
Salin: Liu Kai