Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Si Senador Poe ay isang naturalized citizen

(GMT+08:00) 2015-09-22 11:23:54       CRI

SINABI ni Senior Associate Justice Antonio Carpio, chairman ng Senate Electoral Tribunal na isang naturalized Filipino citizen is Senador Grace Poe.

Ayon sa media reports, ito ang kanyang pahayag sa oral argument kanina sa Senate Electoral Tribunal. Ipinagtatanong ang pagkatao ni Senador Poe sa SET ni Rizalito David na nagsabing ang isang sanggol na nagtagpuan na hindi kilala ang mga magulang ay hindi nararapat kilalaning natural born Filipino.

Ayon kay Atty. Manuelito Luna, abogado ni David, ang foundling ay walang magulang kahit pa nagkaroon ng higit sa 20 milyong boto boong nakalipas na halalan, hindi ito makikilala bilang "will of the people."

Nararapat igalang ang Saligang Batas, dagdag pa ng abogado. Sa ilalim ng 1935 Constitution na nakasasaklaw kay Poe, sinabi ni Carpio na ang Article 4, Section 1 paragraph 5 ng Saligang Batas ang nararapat masunod.

Ang Section 1 (5) ang kumikulala sa mamamayan ng Pilipinas na "naturalized in accordance with law."

Sinabi ni Carpio na isinasaad ng international law na ang bawat tao ay may karapatang magkaroon ng nationality at ang bawat bansa ay nararapat lamang umiwas sa statelessness.

Ang foundling ay may karapatang magkaroon ng nationality, ayon pa kay Justice Carpio. Subalit sinabi niya na si Poe, isang foundling, ay hindi magiging natural born sapagkat lalabag ito sa Saligang Batas.

Ani Justice Carpio, sapagkat binabanggit sa international law na ang isang foundling ay magiging natural born citizen kung saan siya natagpuan ay hindi magagamit sa Pilipinas sapagkat taliwas ito sa Saligang Batas. Sasang-ayon umano ang abogado ni David na si Senador Poe ay isang mamamayan ng Pilipinas.

Ang kanyang paninindigan ay ayon din sa kanyang pananaw sa 2004 dissenting opinion na kontra sa Filipino citizenship ng namayapang action king na si Fernando Poe, Jr., ang adoptive father ni Senador Poe.

Sa kanyang dissenting opinion, obligasyon ng isang tatakbo sa panguluhan na patunayang natugunan niya ang mga qualification ayon sa 1987 Constitution at nararapat siyang maging natural born citizen ng Pilipinas.

Sa idinaos na preliminary conference sa Senate Electoral Tribunal sinabi ni Senador Poe na ang pagdinig ay tila pag-ulit sa kaso ng kanyang ama.

Ang kanyang abogadong si Alex Poblador ay nagsabing ang presumption of law ay nararapat pakinabangan ni Poe.

Sinasabi, ani Poblador na sa katanggap-tanggap na bahagi ng international law, treaties at conventions ang nagpapakita na ang isang batang natagpuan sa Pilipinas ay mayroong Filipino biological parents kaya't natural born Filipino citizen siya.

Sinabi ni Associate Justice Arturo Brion, isang kasapi ng SET, na walang basehan ang ganitong argumento.

Hindi kilala ang kanyang mga magulang at kung hindi kilala ang mga magulang, nararapat niyang patunayan na siya ay isang natural born citizen.

Sina Brion at Teresita Leonardo de Castro ay nagsabing upang maging natural-born, kailangang magkaroon ng blood relation.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>