Sa panayam kamakailan ng WallStreet Journal, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat magkakasamang pagpasyahan ng iba't ibang bansa kung papanong lalo pang pabutihin ang global governance system.
Tinukoy ni Xi na dapat pasulungin ang pag-unlad ng global governance system patungo sa mas makatwiran at mas makatarungang direksyon, at ito ay angkop sa komong pangangailangan.
Ipinahayag rin ni Xi na ang Tsina at Amerika ay mayroong malawakang komong interes sa larangan ng global governance system. Dapat magkasamang magsikap ang dalawang bansa para pasulungin at pabutihin ang global governance system. Ito ay makakabuti sa kooperasyon ng dalawang panig.
Salin:Sarah