|
||||||||
|
||
Dumating kahapon ng umaga, local time, sa Seattle, Washington State, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa Amerika.
Ang mag-asawang Xi ay sinalubong sa paliparan ni Jay Inslee, kinatawan ni Pangulong Barack Obama ng Amerika at Gobernador ng Washington State kasama ng kanyang asawa, Ed Murray, Alkalde ng Seattle, at ng mga opisyal ng pamahalaang pederal at lokal ng Amerika.
Sa kanyang talumpati sa paliparan, ipinahayag ni Xi ang taos-pusong pangungumusta at mabuting hangarin sa mga mamamayang Amerikano.
Sinabi niyang ang pagtatatag ng relasyon ng mga malaking bansa ng Tsina at Amerika, at pagsasakatuparan ng walang komprontasyon, paggagalangan, at win-win situation, ay komong hangarin ng mga mamamayan ng kapwa bansa at komunidad ng daigdig, at angkop din sa agos ng panahon.
Dagdag ni Xi, ang kanyang pagdalaw na ito ay naglalayong palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika, palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at pasulungin ang pagtatatag ng kanilang relasyon bilang mga malaking bansa.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |