|
||||||||
|
||
PILIPINAS, ISA SA NANGUNGUNA SA SOCIAL PROTECTION PROGRAMS. Sinabi ni Ruslan G. Yemtsov ng World Bank (kaliwa) na maganda ang nagawa ng Pilipinas sa social protection programs. Kasama niya sa paglalahad ng balita sa nagawa ng Pilipinas si Bb. Aleksandra Posarac, Program Leader ng World Bank sa press briefing. Na sa dulong kanan si Dave Llorito ng World Bank Philippines. (Melo M. Acuna)
KAPURI-PURI ang nagawa ng pamahalaang Pilipino sa nakalipas na ilang taon sa pagtatangkang mai-angat ang mahihirap sa kanilang kinasasadlakan. Ito ang sinabi ni Bb. Aleksandra Posarac, program leader at Ruslan G. Yemtsov, lead economist sa larangan ng Social Protection at Labor ng World Bank.
Magugunitang ipinatupad ang palatuntunang ito noon pa mang panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ngayo'y nasa higit na sa limang taon sa bansa.
MARAMI PANG MAGAGAWA SA 4PS. Nangako si Secretary Corazon Juliano Soliman na pag-iibayuhin pa ng kanilang tanggapan ang pagpapaunlad ng programang Pantawid ng Pamilyang Pilipino. Sa isang "ambush interview" sinabi ng kalihim na nabawasan ang bilang ng out-of-school youth at child labor sa pagpapatupad ng kanilang programa. (Melo M. Acuna)
Lahat ng mga lalawigan at bayan, maliban sa Batanes, ang nagpapatupad ng Conditional Cast Transfer. Para kay Secretary Corazon Juliano Soliman ng Department of Social Wlfare and Development, nararapat lamang makarating ang pasasalamat sa lahat ng tumulong upang magtagumpay ang programa.
Mayroong 4.4 milyong pamilya ang nakikinabang sa programa, kabilang na ang may 200 libong mga maralitang taga-lungsod at mga katutubo. Sa informal settlers, may programa sa national capital region at tatlong umuunlad na regional centers. Saklaw ng programa ang mga kabataan hanggang 18 taong gulang.
Nakikinabang ang may PPP 4.4 milyong pamilya, walang tahanang mahihirap sa National Capital Region.
Isang dahilan kung bakit nangunguna ang Pilipinas sa pagpapatupad ng 4Ps ay ang mga pagbabagong idinagdag ng mga benepisyaryong mula sa Mindanao tulad ng pagkakaroon ng palikuran at paghahardin. Tumatanggap ang mga kabataan ng P300 bawat isa hanggang Grade 6 at aabot sa P 500 sa pagtuntong ng Grade 7 at marating ang edad na 18. May dagdag pa ring P 500 para sa health services.
Information technology ang nakatutulong sa pagpapatupad ng programa. Ang mga paaralan ang napapadala ng regular na ulat kung sino sa mgakabataan ang pumapasok sa klase samantalang ang rural health units naman ang nagtatala ng mga inang kumokunsulta sa mga klinika.
Kung walang pinalawak na programa ng 4Ps, mas maraming kabataan ang titigil ng pag-aaral samantalang mas maraming mga ina ang mapapahamak sa kanilang pagsisilang. May mga pagsusuring ginawa ang Philippine Institute for Development Studies na nagsasabing nabawasan ang mga kabataang humihinto ng pag-aaral samantalang nabatid rin ng International Labour Organization na nabawasan ang mga kabataang nagtatrabaho sa iba't ibang bahagi ng bansa, dagdag pa ni Secretary Soliman.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |