LUMABAS sa balitang dinala ang tatlong banyaga at isang Filipinang dinukot sa kabundukan at nakalusot sa naval cordon. Wala pang ransom demands, ayon sa pulisya.
Pinagtatangkaan ng mga tauhan ng Philippine Army na makubkob ang mga armado samantalang inihahanda na ang mga helicopter sa posibleng pagliligtas sa kanila.
Ayon kay Sr. Supt. Aaron Aquino, ang deputy regional commander ng pulisya, sinusuyod na ng mga kawal ang kbundukan sa Davao Oriental, isang kuta ng mga guerilyang kabilang sa New People's Army at maging Islamic rebels.
Nakita umano ang mga biktima sa Davao Oriental dagdag pa ni Sr. Supt. Aquino. Nakumpirma ang impormasyong nakalusot sa naval cordon at nakapaglayag ng may 50 kilometro sa silangan patungo sa Davao Oriental.
Wala pang liwanag kung sino ang nasa likod ng pagdukot. Hindi umano gumagamit ang mga Al-Qaeda-affiliated militants ng bangkang de motor sapagkat speedboats ang gamit nila sa kanilang mga pagdukot.