NANINIWALA si Congressman Al Francis Bichara, chairman ng House Committee on Foreign Relations na nangungunang paksang pag-uusapan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng America ang kalakalan.
Sa isang panayam, sinabi ni Congressman Bichara na naniniwala siyang kabilang sa mga pag-uusapan ang nagaganap sa South China Sea.
Sa panig ni dating Senate President Aquilino Pimentel, Jr. naniniwala siyang layunin ni Pangulong Xi na maibsan ang tensyon sa pag-itan ng Pilipinas at Tsina sa mga pulong nasa South China Sea.
Pag-iibayuhin din ng Tsina ang pakikipagkaibigan sa Pilipinas upang higit na pahalagahan ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa kaysa pagitan ng Pilipinas at America.
Ayon naman kay Assistant Secretary Charles Jose, maghihintay ang Pilipinas kung anong kahihinatnan ng pag-uusap nina Pangulong Obama at Xi upang makita ang magiging epekto sa mga isyu sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.