Natanggap kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang nakasulat na panayam ng "Wall Street Journal" ng Amerika. Nang sagutin ang tanong hinggil sa kalagayan ng kabuhayang Tsino, mga hakbanging isinasagawa ng pamahalaang Tsino para mapataas ang kompiyansa ng mga mamumuhunan sa loob at labas ng Tsina at iba pa, binigyang-diin ni Xi na nangunguna pa rin sa daigdig ang bilis ng paglago ng kabuhayang Tsino. Noong unang hati ng kasalukuyang taon, 7% ang paglaki ng kabuhayan ng Tsina, napakahirap ng pagtamo ng ganitong resulta sa ilalim ng masalimuot at pabagu-bagong kapaligiran ng pangkalahatang kalagayan ng kabuhayan ng daigdig. Aniya, ayon sa nakatakdang target ng pag-unlad ng Tsina, hanggang sa taong 2020, dumoble kumpara sa taong 2010, ang Gross Domestic Product (GDP) at kita ng mga residente sa mga lunsod at nayon. Maisasakatuparan ang target na ito kung mapapanatili ang humigit-kumulang 7% paglaki.
Dagdag pa ni Xi na nananatili pa rin sa makatwirang saklaw ang takbo ng kabuhayang Tsino. Kinakailangan ng Tsina ang pagpapataas ng kalidad at episyensiya ng pag-unlad ng kabuhayan, at paglutas sa mga di-balanse, di-koordinado at di-sustenableng problema sa proseso ng pag-unlad ng kabuhayan.
Salin: Vera