Ang Mid-Autumn Day o mas kilala sa mga Pilipino bilang Mooncake Festival ay isang tradisyunal na kapistahan ng mga mamamayang Tsino sa buong daigdig. This year, nakatakdang idaos ito sa ika-27 ng Setyembre. Pinaniniwalaang ang buwan sa panahong ito ay pinakabilog sa isang taon.
Mula sinaunang panahon, ang panonood ng buwan, pagkain ng mooncake, pag-inom ng alak ng lunar flower at iba pang kaugalian ay popular na popular sa mga mamamayan. Ito din ang panahon para sa mga tao na ipagdasal ang pagkakaisa, masaganang ani, kaligayahan. Ito ay mahalang cultural heritage ng Tsina.
Noong ika-23 ng Setyembre, bilang pagsalubong at pagdiriwang sa gaganaping Mid-Autumn Day, idinaos ang lantern exhibition sa lunsod ng Kunshan sa probinsyang Jiangsu ng Tsina na nagtatampok sa mga elemento ng Taiwan. Pinuntahan ang exhibition ng maraming taga-Taiwan at mamamayan sa lokalidad at naramdaman ang atomospera ng tag-lagas.
Nang araw ring iyon, isang lantern exhibition na binubuo ng 2499 na "buwan" ay idinaos sa lunsod ng Yangzhou ng Probinsyang Jiangsu. Ayon sa salaysay, ito ang ika-2500 na Mid-Autumn Day sapul nang itatag ang sinaunang lunsod ng Yangzhou, naghanda ang tagapag-organisa ng 2499 na lantern na may disenyong buwan at ang totoong buwan sa langit ay dagdag sa kabuuang bilang na 2500 buwan.
Bilog ang mga mooncake, pero, sa bisperas ng Mid-Autumn Day o Mooncake Festival, naging popular na popular ang mga mooncake na may imahe ng 12 Chinese Zodiac sa lunsod ng Zhangye sa probinsyang Gansu ng Tsina. Napag-alamang lumampas sa 1 libong taon ang kasaysyan ng naturang moon cake sa lokalidad.