SINABI ni Senate President Franklin M. Drilon na mayroong extradition treaty ang Pilipinas at Thailand na nilagdaan noong 1981 kaya't madaling madadala ang magkapatid na Reyes pabalik sa Pilipinas.
Sa paggamit ng kasunduang ito, madadali ang paglilitis sa mga pinaghihinalaang utak at paglutas sa pagpaslang sa brodkaster noong 2011.
Ang tratado ang siyang magpapa-igting sa pagkakaibigan ng dalawang bansa upang mapigil ang anumang krimen at maisulong ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Saklaw ng tratado ang mga krimeng tulad ng pagpatay, pagdukot, kidnapping, katiwalian at mga batas na may kinalaman sa droga, sandata at pampasabog. Maliban sa tratado, nakapasa sa Senado noong 2008 ang isang resolusyon sa ASEAN Mutual Legal Assistance in Criminal Matters.