|
||||||||
|
||
SINABI ni Justice Secretary Leila de Lima na tuloy na ang pagpapatapon pabalik sa Pilipinas ng dalawang pinaghihinalaang utak sa pagpaslang kay Dr. Gerry Ortega bukas.
Ang dalawang suspect, sina dating Palawan Governor Joel Reyes at ang kanyang kapatid na si dating Coron, Palawan Mayor Mario Reyes, ay nakatakdang sunduin ng mga tauhan ng Philipppine National Police sa Bangkok, Thailand.
Nadakip ang magkapatid ng mga tauhan ng immigration bureau ng Thailand sa isang marangyang resort island, sa Phuket noong Linggo.
Binaril at napatay si Dr. Gerry Ortega, isang komentarista sa Puerto Princesa noong ika-24 ng Enero 2011. Magugunita ang biktima na kritiko ng noo'y Gobernador Joel Reyes na inakusahan niya ng maling paggamit ng pondo ng Malampaya gas fiel sa lalawigan.
Isang dating alalay ang nagturong ang magkapatid na mga Reyes ang utak ng pagpaslang sa brodkaster.
Sinabi ni Atty. Harry Roque na hindi kailangang tumigil ang pamahalaan sa pagdakip at matiyak na maigawad ang katarungan sa mga nagkasala kabilang na ang mga utak sa likod ng pagpaslang kay Dr. Ortega at mga lumustay sa ponding mula sa Malampaya. Si Atty. Roque ang abogado ng mga Ortega sa kasong pagpaslang laban sa mga Reyes.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |