TINIYAK ni Mines and Geosciences Bureau Leo Jasareno na sinisiyasat na ng pamahalaan ang serye ng mga pagpaslang sa mga Lumad sa Surigao del Sur at ilan pang mga pook sa Mindanao.
Ipinaliwanag ni Atty. Ronald Recidoro, na wala siyang batid na mga minahang may operasyon sa mga pook na pinangyarihan ng mga pagpaslang.
Nanindigan naman si Bb. Rosario Bella Guzman ng IBON Foundation na kanilang kasama ang ALCADEV sa paglilingkod sa mga Lumad ng Mindanao. Magugunitang isa sa kanilang mga opisyal ang pinaslang at sinundan pa ng dalawang katutubong naglilingkod sa komunidad.
May talaan ang IBON ng mga kumpanya ng mga minahang may mga mining claim sa mga lupain ng mga katutubo.
Ilalabas din ng tanggapan ni Director Jasareno ang kanilang pagsisiyasat sa mga susunod na panahon. Igagalang nila, tulad ng ibang tanggapan ng pamahalaan, ang due process.