Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, natapos ang biyahe sa Estados Unidos at UN

(GMT+08:00) 2015-09-29 10:21:31       CRI

Pagkatapos ng kanyang kauna-unahang dalaw pang-estado sa Amerika, at pagbisita sa punong himpilan ng United Nations(UN), lumisan ng New York ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina pabalik ng Beijing.

Noong ika-22 ng Septyembre, dumating sa Seattle si Xi at dumalo sa China-U.S. Governors Forum at isang welcoming dinner na inihandog ng pamahalaang lokal at mga organisasyong pangkabigan. Magkakasunod din siyang nagtalumpati tungkol sa pagtatatag ng relasyong Sino-Amerikano na may win-win situation.

Bukod dito, sa kanyang pananatili sa Seattle, bumisita pa si Xi ng Boeing factory, punong himpilan ng Microsoft at isang mataas na paaralan sa lokalidad.

Tapos, lumipad patungong Washington D.C. si Xi noong ika-24 ng Setyembre at nagkaroon ng isang 3 oras na di-pormal na pakikipagtagpo sa kanyang counterpart na Amerikano na si Brack Obama.

Sa kanyang ika-2 araw sa Washington D.C., idinaos ang maringal na seremonya ng pagsalubong ng White House para kay Xi, na kinabibilangan ng isang 21-gun salute. Tapos, pormal na nag-usap ang mga lider ng Tsina at Amerika.

Sa kanilang pag-usap, iniharap ni Xi ang 6 na mungkahi para mapasulong ang relasyong Sino-Amerikano at sumang-ayon ang dalawang panig na itatag ang bagong relasyon ng malalaking bansa. Pagkatapos nito, magkasamang kinatagpo ng dalawang lider ang mga mamamahayag.

Nang araw ring iyon, kolektibong kinausap ni Xi ang mga miyembro ng parliament at dumalo sa welcoming luncheon na inihandog nina Pangalawang Pangulong Joe Biden at Kalihim ng Estado na John Kerry ng Amerika.

Noong ika-25 ng buwang ito, pumunta sa New York si Xi para dumalo sa isang serye ng pulong bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN.

Nagtalumpati si Xi sa UN General Assembly, UN Sustainable Development Summit, Women's Affairs Summit at isang peacekeeping summit. Bukod dito, nangulo rin siya sa South-South Cooperation Roundtable Meeting na magkasamang inihandog ng China at UN.

Sa nasabing mga okasyon, nanawagan si Xi na itatag ang bagong relasyong pandaigdig at ipinatalastas ang isang serye ng hakbangin ng pagbibigay-suporta sa UN at mga umuunlad na bansa.

Sa kanyang pananatili sa New York, kinatapo ni Xi sina Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN; Klaus Iohannis, Pangulo ng Romania; Sheikh Hasina, Punong Ministro ng Bangladesh; Ernest Bai Koroma, Pangulo ng Sierra Leone; Muhammadu Buhari, Pangulo ng Nigeria; Hassan Rouhani, Pangulo ng ng Iran; Lars Loekke Rasmussen, PM ng Demark at Alexis Tsipras, PM ng Gresya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>