Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Yi, inilahad ang natamong bunga ng biyahe ng Pangulong Tsino

(GMT+08:00) 2015-09-29 15:54:17       CRI

Mula noong ika-22 hanggang ika-28 ng kasalukuyang buwan, isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Amerika, at dumalo sa serye ng summit ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN). Sa okasyon ng pagtatapos ng biyaheng ito, isinalaysay ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang mga progreso at bunga ng nasabing pagdalaw.

Sinabi ni Wang na ang nasabing biyahe ni Xi ay isang historikal na pagdalaw sa mahalagang panahon. Aniya, ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII) at pagkakagtatag ng UN, at ang kapayapaan at kaunlaran ay kasalukuyang pangunahing tunguhin ng siglong ito. Sa mahalagang okasyong ito, bumiyahe aniya ang Pangulong Tsino sa Amerika para mapasulong ang pagtatatag ng bagong relasyon ng malalaking bansang Tsina at Amerika. Bukod dito, bumigkas ng talumpati si Xi sa UN, at iminungkahi niyang itatag ang bagong relasyong pandaigdig. Ang mga ito ay nakakapagpasulong sa relasyong Sino-Amerikano at relasyong pandaigdig, at pinasimulan ang diplomasyang may katangiang Tsino.

Ani Wang, nitong 7 araw na nakalipas, mula Seattle sa Washington, hanggang New York, isinagawa ni Xi ang maraming bilateral at multilateral na aktibidad. Aniya, malawakang nakipag-ugnayan ang Pangulong Tsino sa mga personahe ng iba't-ibang sirkulo ng Amerika, at bumigkas ng mga talumpati sa maraming okasyon; bagay na nakakapagpalalim sa pag-uunawaan, nakakapagpalakas ng pagtitiwalaan, at nakakapagpalawak ng kooperasyon ng dalawang panig. Binigyan din aniya ng lubos na papuri ng opinyong publiko mula sa loob at labas ng Tsina ang natamong bunga ng nasabing biyahe. Ipinalalagay nilang ang biyahe ni Xi ay tiyak na makakapagbigay ng malaki at pangmalayuang impluwensiya sa relasyong Sino-Amerikano, at prosesong pangkapayapaan at pangkaunlaran ng buong daigdig.

Sa panahon ng pagdalaw, aktibo ring isinagawa ng asawa ni Xi na si Peng Liyuan, ang pakikipagpalitang pangkultura sa panig Amerikano. Sa panahon ng summit ng UN, dumalo siya sa mga multilateral na aktibidad na may kinalaman sa usapin ng edukasyon, kababaihan at kabataan, at may kapansanan. Ani Wang, ang mga ito ay nakakapagpasulong ng komprehensibong pagkaunawa ng komunidad ng daigdig sa Tsina.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>