Sa punong himpilan ng United Nations (UN) sa New York—Dumalo at nangulo dito kahapon, local time, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Global Women's Summit. Sa seremonya ng pagbubukas, bumigkas si Xi ng talumpating pinamagatang "Pagpapasulong ng Komprehensibong Pag-unlad ng Kababaihan, Magkasamang Pagtatatag at Pagbabahagi ng Magandang Daigdig," kung saan inilahad niya ang paninindigan ng Tsina sa pagpapasulong ng pandaigdigang usapin ng kababaihan, at pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig.
Ipinalalagay ni Wu Xinbo, Dalubhasa ng Fudan University ng Tsina, na ang pangungulo ni Xi sa naturang summit ay nagpapakitang nagiging mas dibersipikado ang paraan ng pagdidispley ng diplomasya ng Tsina, at ang talumpati ni Xi sa summit ay nagdispley rin ng pangkalahatang pag-unlad ng lipunang Tsino.
Ani Wu, sa bisperas ng biyahe ni Xi sa Amerika, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang white paper hinggil sa pagkakapantay ng kasarian at pag-unlad ng kababaihan ng Tsina. Sa pamamagitan ng talumpati ni Pangulong Xi, nalaman ng komunidad ng daigdig na ang pag-unlad ng Tsina ay hindi lamang sa kabuhayan, kundi rin sa pangkalahatang pag-unlad at progreso ng lipunan.
Tulad ng isang serye ng plano sa kooperasyon at pag-unlad na iniharap ni Xi sa UN Sustainable Development Summit, ang talumpati niya sa Global Women's Summit ay muling nagpakita ng responsibilidad ng Tsina sa komunidad ng daigdig, dagdag pa ni Wu.
Salin: Vera