Pormal na isinapubliko ngayong araw ng pamahalaan ng Hapon ang bagong Security Bills kung saan pinahihintulutan ang paggamit ng Hapon ng collective self-defense right. Ipapatupad ang naturang batas sa loob ng 6 na buwan pagkaraang isapubliko.
Ang bagong Security Bills ay kinabibilangan ng isang bagong lehislasyon at 10 sinusugang batas. Dahil ang paggamit ng collective self-defense right ay itinuturing na paglabag sa konstitusyon ng Hapon, matinding tinutulan ito ng partidong oposisyon, iskolar sa konstitusyon, karaniwang mamamayan at iba't ibang sirkulo ng lipunan ng Hapon. Ipinakikita ng resulta ng maraming beses na poll ng Japanese media na tutol sa bagong Security Bills ang mahigit kalahati ng mga mamamayang Hapones.
Salin: Vera