Sa Beijing — Ipinahayag ngayong araw ni Zhang Xiaohui, Asistante ng Puno ng People's Bank of China (PBC), na ayon sa kalagayang pinansiyal ng kabuhayan ng daigdig at bansa, sa kasalukuyan, walang anumang pundasyon na sustenableng ide-devalue ang exchange rate ng RMB. Aniya, may kakayahan ang PBC na pananatilihin ang katatagan ng RMB sa makatuwiran at balanseng lebel.
Ipinatalastas kamakalawa ng PBC na mula araw na ito, pinabuti ang intermediate value of exchange rate ng RMB sa US Dollar. Sa kasalukuyan, nitong nagdaang tatlong araw singkad, patuloy na bumaba ang intermediate value of exchange rate ng RMB sa US Dollar.
Salin: Li Feng